Farm ng PNP-CIDG Director pinagbabaril

MANILA, Philippines - Ginulantang ng sunud-su­nod na putok ang farm na pag-aari ni PNP-Criminal In­vestigation and Detection Group (PNP-CIDG) Chief P/Di­­rector Leon Nilo de la Cruz, ng mga armadong kalalakihan sa Brgy. Sta. Ines, San Miguel, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, bandang alas-9:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa na­turang farm na mata­tagpuan sa Sitio Balukok, Brgy. Sta Ines, San Miguel ng lalawigang ito.

Ayon kay de la Cruz, walang kinalaman sa mga elementong kriminal na tinutugis ng PNP-CIDG ang insidente manapa’y isang grupo lamang ito ng mga lasing na kalalakihan.

Sinabi nito na bagaman natural lamang ang ‘death threat’ sa mga opisyal na katulad niya ay walang kinalaman ang naturang insidente dito at tinamaan lamang ng mga ligaw na bala ang kanilang farm kung saan hindi ito ang talagang target. 

Show comments