PNP sa 2 bayan ng Cagayan, sibak
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Sinibak na ang buong pwersa ng kapulisan sa dalawang bayan sa lalawigan ng Cagayan bunsod ng kabiguang mapigilan ang serye ng karahasan umpisa pa noong nakalipas na halalan.
Ito ay kasunod ng ipinalabas na ng Police Regional Office (PRO) 2 kautusan sa mga elemento ng Regional Mobile Group (RMG) na siya ng mangangasiwa sa kaayusan at katahimikan ng mga bayan sa Solana at Tuao, Cagayan matapos sibakin ang dating mga kagawad ng PNP na nakatalaga sa dalawang bayan.
“The relieved personnel will undergo refresher training to ensure that they continue to deliver quality police service wherever they are assigned. There is no politics involved here, with only the improvement of the service in mind and with the blessings of higher headquarters,” pahayag ni Chief Supt. Francisco Villaroman, Cagayan Valley Police Regional Director.
Ang mga bayan ng Tuao at Solana na nasa ikatlong distrito ng Cagayan ang sinasabing naging magulo noong nakalipas na 2010 elections matapos maitala ang ilang karahasan na kinabibilangan ng tangkang assassination sa buhay ng isang kamag-anak ni Vice Gov. Leonides Fausto.
- Latest
- Trending