Sekyu utas sa P1.6-M robbery

MEYCAUAYAN CITY, Bulacan, Philippines — Isang security guard ang nasawi matapos itong paslangin ng hindi nakilalang mga armadong robbery gang na nanloob sa isang pabrika sa Brgy. Patok ng lungsod na ito kamakalawa.

 Kinilala ang biktima na si Arlon Amaca, 26, stay-in security guard ng Fighter Force Security Services Inc.at residente ng Ana Maria Village, Brgy. Iba sa siyudad na ito na may tama ng matigas na bagay sa kanyang ulo.

 Base sa imbestigasyon ni PO2 Fulgencio Moren dakong alas-5:10 ng madaling-araw ay natagpuan ni Lailo Rafael na isang empleyado ng Styrolite Manufacturing Corp.ang nakahandusay na katawan ng biktima sa loob ng kanyang guard house at nawawala din ang kanyang service firearm na isang .38 revolver na baril at mga personal nitong kagamitan.

 Nadiskubre rin na nilooban ang pabrika ng mga suspek na sakay ng dalawang closed van at tinangay ang 422 bags ng produktong expandable polystyrene na sangkap sa pagawa ng styrofor na nagkakahalaga ng P1.688 milyong piso.

Pinaniniwalaang nanla­ban ang biktima ng malaman niyang may mga taong nagnanakaw sa pabrika kaya pinatahimik ito.

Show comments