2 obrero binoga ng sekyu

MEYCAUYAN CITY, Bulacan, Philippines – Dalawang obrero ang iniulat na nasawi habang dalawa pa ang malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin ang mga ito ng nairitang security guard habang nag-iinuman sa isang lugar sa Brgy. Pantok sa siyudad na ito kahapon ng madaling-araw.

 Kinilala ang mga biktima na sina Erwin Villanueva, 30, na sumabog ang kanang mata at Raquel Montero 21, na nabutas naman ang dibdib.

Isinugod naman sa pa­gamutan ang mga sugatang sina Pablo de la Cruz , 39 at Rodrigo Abrigo, 44-anyos. Ang mga biktima ay mga tra­bahador na stay-in sa La Brezza 2 Subdivision sa naturang lugar.

 Agad naman tumakas ang mga suspek na nakila­lang sina June Vallescas 50, Officer in Charge at Alex Pal encia Jr. 25; kapwa nakatalaga sa Jericko Security Agency na nagbabantay sa naturang lugar. 

 Base sa imbestigasyon ni PO3 Nick Aspeli dakong alas-12:30 ng madaling-araw ng mangyari ang insidente habang nag-iinuman ang mga biktima ng sigawan ng “I love you” ang naka-off duty na security guard ng pag­bawalan ang mga itong mag-inuman. Narekober sa crime scene ang 2 cal. 38 revolver na na­kaisyu sa sekyu.

Show comments