^

Probinsiya

Alkalde umangal sa sobrang proteksyon ng batas sa menor-de-edad

- Doris Franche-Borja -

LAGUNA, Philippines — Umalma si San Pedro Mayor Calixto “Calex” Cataquiz sa pag-iral ng batas na sobrang nagbibigay proteksyon sa mga menor-de-edad na mga lumalabag sa batas.

Batay sa ulat, naging sentro ng prostitusyon umano ang madidilim na sulok sa tapat mismo ng munisipyo kung saan ay lantaran ang ginagawang prostitusyon ng ‘bente-lador gang’ na kalalakihan na mga menor-de-edad na nagpapahipo sa mga bakla kapalit ng biente pesos na bayad.

Ayon kay Mayor Cataquiz, nagiging inutil ang pamahalaan sa pagpaparusa sa mga kabataang lumalabag sa batas kaugnay sa pagpapatupad ng Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 o Republic Act 9344 na inakda ni Sen. Francis Pangilinan.

Aniya, bukod sa mga nagpapatrulyang pulis, ipinatutupad din nila ang curfew mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga kinabukasan para sa mga kabataang may edad 17 pababa kung kaya’t imposibleng may nangyayaring kalaswaan sa paligid ng munisipyo.

“Kung mayroong naglipanang kabataan sa kalye at nahuling may ginagawang labag sa batas, hindi naman makakilos ang ating mga pulis dahil nga sa umiiral na batas kaya hindi rin sila maparusahan,” paliwanag ng alkalde.

Samantala, lumagda si Cataquiz sa isang Memorandum of Agreement sa pamahalaang Guam at nagkasundo sila na magre-recruit ito sa kanila ng mga trabahador para sa paglilipat ng US bases mula sa Japan patungong Guam

Darating din aniya sa susunod na buwan ang kanyang mga counterparts sa Guam upang pag-usapan ang pagbibigay ng karagdagang trabaho para sa mga taga-San Pedro para sa kanilang mga programang pang-imprastraktura.

vuukle comment

ANIYA

CATAQUIZ

FRANCIS PANGILINAN

JUVENILE JUSTICE AND WELFARE ACT

MAYOR CATAQUIZ

MEMORANDUM OF AGREEMENT

REPUBLIC ACT

SAN PEDRO

SAN PEDRO MAYOR CALIXTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with