^

Probinsiya

Phil Councilors' League sa Subic

- Ni Randy V. Datu -

SUBIC BAY FREE­PORT ZONE, Philippines  – Sa ikatlong pagkakataon, muling magpupulong ang lahat ng halal na municipal at city councilor para sa tatlong araw na edukasyon ukol sa lehislatura sa Subic Freeport bukas (Nob. 24).

Sa pahayag ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Administrator Armand Arreza, ang nabanggit na okasyon na inorganisa ng Philippine Councilors’ League ay gaganapin sa Subic Bay Exhibition and Convention Center.

Inaasahang nagkaroon ng komprehensibong kaalaman ang mga dadalo sa tamang pagbalangkas ng batas, deliberasyon sa konseho at iba pang kaalaman sa pagtupad sa sinumpaang tungkulin.

Kabilang sa mga pangunahing tagapagsalita ay sina Sen. Richard Gordon at Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr.

Ilulunsad din ang Local Legislative Academy na pinagtibay sa pakikipagtulungan ng PCL at University of Makati.

 “Ang pagtatag ng akadem­ya ay bilang tugon sa pangangailangan ng mga lokal na mambabatas upang higit na mapagsilbihan ang nasasakupan sa pamamagitan ng mas mahusay na pagganap sa tungkulin sa loob ng konseho,” pahayag naman ni Olongapo City Councilor Gina Perez.

ADMINISTRATOR ARMAND ARREZA

LOCAL LEGISLATIVE ACADEMY

OLONGAPO CITY COUNCILOR GINA PEREZ

PHILIPPINE COUNCILORS

RICHARD GORDON

SUBIC BAY EXHIBITION AND CONVENTION CENTER

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY

SUBIC FREEPORT

UNIVERSITY OF MAKATI

ZAMBALES GOVERNOR HERMOGENES EBDANE JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with