2 bata nilamon ng ilog

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines   –  Dalawang mag-aaral na kasapi ng Boy Scout of the Phils. ang iniulat na nasawi matapos malunod sa ilog ng Pinacanauan sa Tuguegarao Cty, Cagayan noong Sabado ng umaga. Natagpuan ang bangkay ni Ralph Ezequiel Sangab, 10; habang pinaghahanap pa ang katawan ni Jigz na kapwa nakatira sa Barangay San Gabriel, Tuguegarao City. Lumilitaw sa inisyal na ulat, nagtungo sa ilog ang da­lawa kasama ang dalawang iba pa matapos pumuslit sa idinaraos na scouting sa West Central School. Nabatid na tinangay ng malakas na agos ang mga bata habang nailigtas naman ng ilang mangingisda si Lionel Balus at kasamahan nito.

Show comments