^

Probinsiya

Ex-konsehal kinasuhan ng rape

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Nalalagay sa balag ng alanganing mabulok sa kulu­ngan ang dating kagawad ng barangay ma­karaang kasuhan ng 3 counts ng rape at abduction ng isang estudyante sa Tanauan City, Batangas.

Kasalukuyang nirerebisa sa Office of the City Prose­cutor’s sa Sta. Rosa City, Laguna ang kasong rape ni Joselito Magpantay ng Barangay Janopol Oriental, Tanauan City, Batangas.

Ayon kay Atty. Falconi V. Millar, pro-bono lawyer ng biktima, 3-beses isinagawa ang pang­hahalay sa suspek simula noong Agosto 24, 2009.

Base sa affidavit, lumilitaw na niligawan ng suspek ang biktima subalit tinanggihan niya dahil may-asawang tao kung saan nauwi sa pananakot.

Gayon pa man, napilitang makipagkita ng biktima noong Agosto 24, 2009 hanggang sa painumin siya ng canned soda at mawalan ng malay hanggang sa maganap ang maitim na balak ng suspek.

Noong Enero 16, 2010 ay inabangan at pilit na isinakay sa kotse ang biktima matapos tutukan ng baril ng suspek kung saan pinagbantaan idadamay ang kanyang pamilya kaya muling naganap ang panghahalay.

Noong Hulyo 22, 2010 ay muling naganap ang krimen kung saan kinunan pa ng larawan ang biktimang hubo’t hubad sa pamamagitan ng cell phone at ipinakalat.

Hin­di nagsumbong ang  biktima dahil sa takot na patayin ang kanyang pamilya pero kinompronta siya ng mga magulang noong Sept. 5 dahil sa natanggap na mga MMS ng kanilang mga kaanak kung saan ay hubo’t hu­­bad ito kaya naman na­pilitan nang kumanta at nag­harap ng kaso laban sa suspek sa tulong ni Atty. Millar.

AGOSTO

BARANGAY JANOPOL ORIENTAL

BATANGAS

FALCONI V

JOSELITO MAGPANTAY

MILLAR

NOONG ENERO

NOONG HULYO

SHY

TANAUAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with