2 tumba sa NPA attack

MANILA, Philippines –  Dalawa-katao ang kumpirmadong nasawi kabilang ang detachment commander habang 2-Cafgu Active Auxiliary (CAA) ang nasugatan matapos na tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army sa liblib na bahagi ng Sitio Kasingan, Barangay Trinidad sa Guihulngan City, Negros Oriental kahapon ng umaga.

Sa phone interview, sinabi ni Army’s 302nd Infantry Brigade (IB) Commander Col. Manuel Ochotorena, kabilang sa napaslang ay isang Army Sergeant na tumatayong commander sa  Kandalanon Detachment, at isang miyembro ng CAFGU habang kritikal naman ang sibilyang si  Dominic Brillantes. Lumilitaw na rumes­ponde ang tropa ng militar kaugnay sa pamamaril kay Brillantes nang harangin ng tatlong grupo ng rebelde pagsapit sa mabundok na barangay. Nabatid na si Brillantes ay napag-initan ng NPA sa pag-aakalang espiya ng militar at pulisya.

Show comments