^

Probinsiya

Bakasyunistang sundalo nilikida

- Ni Ed Casulla -

LEGAZPI CITY, Philippines  – Pi­nagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 27-anyos na bakasyunis­tang sundalo sa patuloy na paghahasik ng lagim ng mga rebeldeng New People’s Army  (NPA) sa Sitio Pangyawan, Barangay Taysan sa Legazpi City, Albay noong Bi­yer­nes ng gabi.

Ayon kay P/Supt. Abelardo Borromeo, hepe ng pulisya, naganap ang krimen habang si PFC Ronnel Galvez ng Phil. Army ay sumasayaw sa plaza dahil sa kapistahan ng kanilang lugar. 

“Pfc Galvez was on weekend leave status since yesterday afternoon. He was with some friends when he was approached by two pistol-wielding gunmen who shot him at close range,” pahayag naman ni Col. Leoncio Cirunay, operations office ng 9th Infantry Division.

Napag-alamang nagbakasyon lamang ang biktima dahil matagal na nitong hindi nakikita ang kanyang pamilya at nakadestino sa malayong lugar.

Lumilitaw din na binalaan ng kaniyang mga superior si Galvez kaugnay sa inisyung shoot to kill order ng NPA laban sa mga sundalo ng AFP kung saan nadiskubreng kasama ang kanyang pangalan.

ABELARDO BORROMEO

ALBAY

AYON

BARANGAY TAYSAN

INFANTRY DIVISION

LEGAZPI CITY

LEONCIO CIRUNAY

NEW PEOPLE

PFC GALVEZ

RONNEL GALVEZ

SITIO PANGYAWAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with