Dalagang retarded ni-rape slay
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines — Laslas ang leeg at hubo’t-hubad ang katawan ng isang 21 anyos na dalagang retarded na hinihinalang hinalay muna bago pinatay nang matagpuan ito sa Brgy. Inamnan Grande, Guinobatan , Albay kahapon.
Ang biktima ay kinilalang si Donna Mae Balido, residente ng naturang lugar na positibong kinilala ng kaniyang pamilya.
Sa ulat ng pulisya, bandang alas-10:30 ng umaga ng madiskubreng nakabulagta sa lugar ang bangkay ng biktima.
Napag-alaman na hindi na nakauwi ang dalaga sa kanilang bahay ng ito ay umalis dakong alas-4 ng hapon kamakalawa.
Samantalang laking gulat rin ng kaniyang nagluluksang pamilya ng matagpuan itong hubo’t-hubad ang bangkay.
Malaki ang paniniwala ang mga awtoridad na ginahasa pa ang biktima ng ’di-nakikilalang suspek at ito ay ginilitan upang itago ang krimen kung saan inabandona ang bangkay sa liblib na lugar.
Nakatakdang isailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktima.
- Latest
- Trending