BATAAN, Philippines – Dalawang lalaki na sinasabing biktima ng summary execution ang natagpuan sa magkahiwalay na bayan ng Mariveles at Orani, Bataan kamakalawa.
Ayon kay P/Supt. Romell Velasco, hepe ng Mariveles PNP, ang bangkay ni Benjie Domingo na may mga tama ng bala ng baril ay natagpuan ng mangingisdang si Benny Arrevado na nakalutang sa karagatan ng Barangay Lucanin, Mariveles. Si Domingo ay napaulat na nawawala pa noong Nob. 11.
Samantala,isa pang lalaki na nakagapos at may tama ng bala ng baril sa noo ang natagpuang patay sa gilid ng Roman Super highway sa Brgy. Dona, Orani.
Hindi naman kaagad nakilala ang biktima na sinasabing nasa edad 20-30-anyos at naka-asul na t-shirt at checkered na pantaloon.