Jueteng patuloy sa Pangasinan
BAGUIO CITY, Philippines – Muli na namang nagpatuloy ang operasyon ng jueteng sa anim na distrito ng Pangasinan makaraang bigyan ng pahintulot ng mga tiwaling opisyal ng lokal na pamahalaan at pamunuan ng pulisya.
Ayon sa ilang mapagkakatiwalaang source na tumangging ibunyag ang pagkakakilanlan, isang nagngangalang Ric Orduna na malapit sa ilang opisyal ng pamahalaang panlalawigan ang nagbigay ng go signal sa mga jueteng operator sa 6-distrito na patuloy ang operasyon ng nabanggit na sugal.
Kabilang sa mgga binanggit ng source na operator ng jueteng ay isang alyas Boy Bata na may operasyon sa mga bayan ng Binmaley, Lingayen, Bugallon, Dagupan City at sa bayan ng San Fabian habang si alyas Lito Mallorca ay sakop ang mga bayan ng Bayambang, Malasiqui, Mangaldan, Manaoag at bayan ng Mapandan.
Nabatid na si Anthony Ang Co ay hawak ang 5th district at si alyas Marlon naman ay hawak ang operasyon ng jueteng sa 6th district ng Pangasinan.
Maging sa mga bayan ng Aguilar, Mangatarem, Urbiztondo at Basista ay hawak ni alyas Raul Sison samantalang sa mga bayan ng Villasis, Sto. Tomas, Alcala, Bautista at bayan ng Carmen hawak naman ni alyas Bebot Villar.
Ayon pa source, aabot sa P10 milyong kada araw o P300 milyon ang kinikita ng mga operator ng jueteng kada buwan kung saan 3 porsiyento ang sinasabing napupunta sa gobernador, 3 porsiyento sa provincial police director habang 7 percent naman sa alkalde.
Maging ang isang kongresista ay sinasabing nakakatanggap ng minimum na P50,000 hanggang P.1 milyon kada buwan, dagdag pa ng source.
Magugunita na pansamantalang natigil ang operasyon ng jueteng sa mga nabanggit na distrito matapos isiwalat ni ex-Lingayen Archbishop Oscar Cruz sa pagdinig sa Senado
Pinabulaanan naman ni Pangasinan Gov. Amado Espina ang akusasyon ni Cruz na iniuugnay siya sa operasyon ng illegal na sugal na jueteng at nag-utos na lansagin ang malawakang operasyon ng nabanggit na sugal.
- Latest
- Trending