Drayber nilamon ng bangin

BENGUET, Philippines

 – Kamatayan ang sumalubong sa isang 26-anyos na drayber habang dalawang iba pa ang nasugatan makaraang mahulog ang truck sa may 70 metrong lalim na bangin sa bahagi ng Magmagaling, Buyacaoan, sa bayan ng Buguias, Benguet noong Linggo ng gabi. Narekober naman ng mga residente ang tatlo mula sa nawasak na truck na pag-aari ni Lorenzo Sab-it kung saan nasawi ang magsasakang si Georgerson Kitongan habang sina Mayos Ruston, 18; at Gerson Tolida, 31, ay naisugod sa Lutheran Hospital sa Abatan. Lumilitaw sa pagsisiyasat na ang tatlo ay masyadong nalango sa alak bago pa maganap ang trahedya.

Show comments