NUEVA VIZCAYA, Philippines – Matapos mabigyan ng pagkakataon na masilayan ang liwanag ay agad namang sinalubong ni kamatayan ang conjoined twin na isinilang sa bayan ng Alicia, Isabela noong Biyernes ng umaga.
Ayon sa ulat, isinilang ang kambal na magkadikit ang tiyan sa Cauayan City District Hospital sa pamamagitan ng caesarian operation.
Napag-alaman na bago pa man isilang ni Marites Romero, 29, ng Barangay Santa Maria, ay alam na kambal ang kanilang magiging anak.
“Although the babies were detected to be twins, we had no idea they would be conjoined. We need more hi-tech medical equipment to establish early the status of fetuses,” pahayag ni Dr. Oscar Caballero
Maging ang mga doktor na nagsagawa ng operasyon ay nagulat nang makita ang lagay ng kambal.
“It’s really a complex problem. We tried to save them both but how can we separate them from each another, when they were both in danger. It was too early to separate them then,” dagdag ni Caballero.
Pinilit na iligtas ng mga doktor ang kambal subalit magkasunod na binawian ng buhay ilang minuto matapos masilayan ang liwanag.