^

Probinsiya

4 katao patay sa road mishap

-

Camp Vicente Lim, Laguna, Philippines  – Apat katao kabilang ang dalawang em­pleyado ng SM ang na­sawi matapos sumalpok ang kanilang mga sasakyan sa magkahiwalay na insidente na naganap sa Batangas at Laguna kahapon ng mada­ling-araw.

Kinilala ni Chief Supe­rintendent Samuel Pagdilao, Jr., Region 4 Police Di­­rector ang mga nasa­wing sina Ronnel Balmes, 24, residente ng Barangay Dalig, Batangas City at Raymond Aguda, 21 ng Sitio Bulihan, Barangay Balete, Batangas City kapwa empleyado ng SM Batangas City Branch.

Patay din ang truck dri­ver na si Alfredo Abustad ng Barangay Sto. Tomas, Luisiana, Laguna at ang kanyang truck-helper na si Jessie Boyles ng Ma­rulas,Valenzuela.

Dalawa namang truck helper na nakilalang sina Vicente Ramos at Edelio Na­bida ang sugatan at kasa­lukuyang ginagamot sa San Pablo City District Hospital.

Bandang ala-1:30 ng umaga nang sumalpok sa poste ng kuryente ang motorsiklong sinasakyan nina Balmes at Aguda pagsapit sa kahabaan ng Diversion Road sa Brgy. Bolbok ng nasabing bayan na ikinamatay na mga ito.

Samantala sa Alaminos, Laguna, binabagtas naman ni Abustad ang highway sakay ng isang 10-wheeler truck ( WEP-296) ng mawalan ito ng kontrol pagsapit sa kanto ng Del Pilar at Pandiño Street sa Barangay 2 bandang alas-5:45 ng umaga.

Dead-on-the-spot sa insidente sina Abustad at Boyles ng maipit ang kanilang sasakyan sa poste. Patuloy ang imbestigasyon sa natu­rang mga kaso.

vuukle comment

ABUSTAD

ALFREDO ABUSTAD

BARANGAY BALETE

BARANGAY DALIG

BARANGAY STO

BATANGAS CITY

BATANGAS CITY BRANCH

CAMP VICENTE LIM

CHIEF SUPE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with