^

Probinsiya

25 tripulanteng Intsik nilamon ng dagat

- Ni Victor Martin -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines  – Isang cargo ves­sel na may lulang 25 tripulanteng Intsik ang iniulat na nawawala matapos lumubog sa karagatang na nasa pagitan ng Taiwan at Batanes, ayon sa ulat kahapon.

“We have first sent an aerial mission to locate possible survivors. Our men are having difficulty pene­trating the area due to the bad weather,” pahayag ni Capt. George Usarbia, district commander ng Coast Guard na nakabase sa Northern Luzon.

Kasalukuyang inaalam ng rescue team ang kalagayan ng 25-katao na pawang mga Intsik na lulan ng  MV Nasco Diamond kung ang mga ito ay nakaligtas sa paglubog ng barko.

Nabatid na biglang nag­laho sa karagatan ng Batanes ang cargo vessel noon pang Martes (Nob. 9) kung saan patungo sana sa China nang mawala sa radar screen. “We are hoping that the crew members are still alive,” dagdag ni Usarbia.

Ang Batanes ay nasa pagitan ng South China Sea at Pacific Ocean kung saan katatapos lamang na madaanan ng hindi magandang lagay ng panahon sa nakalipas na mga araw bunsod ng tinatawag na tail end of a cold front.

Nakiisa na rin ang Ja­panese Coast Guard sa search and rescue team sa paghahanap sa lumubog na barko.

ANG BATANES

BATANES

CAPT

COAST GUARD

GEORGE USARBIA

INTSIK

NASCO DIAMOND

NORTHERN LUZON

PACIFIC OCEAN

SOUTH CHINA SEA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with