Negosyante nilikida

BATAAN, Philippines — Binaril at napatay ang isang 49-anyos na negosyante sa loob ng kanyang bakuran sa Doña Maria Subdivision sa Barangay Tenejero Siyudad sa ba­yan ng Balanga City, Bataan kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Supt. Arnel Libed, hepe ng Balanga City PNP ang bik­tima na si Lito Nava y Jores. Lumilitaw na bumaba ang biktima sa Toyota Fortuner (LJN-555) kasama ang kaibigang si Catherine Lozada, para buksan ang gate subalit nilapitan at niratrat ng maskaradong lalaki. Tatlong bala ng baril sa leeg at kanang pisngi ang dumapo sa biktima kaya duguang bumulagta. Mabilis na tumalilis palabas ng bahay ang suspek bago sumakay sa motorsiklo na nag-aabang sa hindi kalayuan.

Show comments