Killer truck: Mag-asawa utas

BAGABAG, Nueva Vizcaya, Philippines – Dinagit ni kamatayan ang mag-asawa habang apat nilang anak ay nasa kritikal na kalagayan matapos na araruhin ng truck ang kanilang tahanan kahapon ng madaling-araw sa Ba­rangay Baret bet sa bayan ng Ba­gabag, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang mag-asawa na sina Danny Gallo at Aileen­ Gallo ng Purok-6, Sitio Cinacao sa nabanggit na barangay.

Ginagamot naman ang apat na bata sa PLT Hospital sa bayan ng Solano at Ve­terans Regional Hospital sa Bayombong ay sina Dianne, 13; Norman, 10; Tricia, 7; at si Jancis Gallo, 1, nagtamo ng matinding sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay PO1 Jeffrey Viloria, lumilitaw na nawalan ng preno ang 10-wheeler truck (BBW-267) ni Armando Peralta ng San Isidro, Isabela kaya nagtuluy-tuloy na sumalpok sa tahanan ng pamilya Gallo na sinasabing magkakasamang natutulog.

Kahapon ng tanghali, sumuko naman sa himpilan ng pulisya ang driver ng truck para panagutan ang naganap na insidente.

Show comments