Barangay chairman itinumba

MANILA, Philippines - Binaril at napatay ang isang  barangay chairman ng dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo sa gilid ng highway sa Barangay Zone 7 sa bayan ng Bangued, Abra ka­ma­kalawa ng umaga. Nasapol sa kaliwang bahagi ng mukha si Chairman Rafael Agcongay ng Barangay Bacooc sa bayan ng Langangilang, Abra. Lumilitaw na katatapos lamang magpagasolina ng biktima nang lapitan at ratratin ng motorcycle-riding gunmen. Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa nakalipas na barangay at SK elections ang motibo ng krimen.

Show comments