^

Probinsiya

Ginto sa WRO nasungkit ng Bulakenyo

- Dino Balabo -

BULACAN, Philippines  — Nasungkit ng mga estudyanteng Bula­kenyo ang gintong medalya sa katatapos na World Robot Olympiad (WRO) matapos ang dalawang araw na palig­sahan kahapon kung saan ay nilampaso nila ang kina­ta­wan mula sa 21 bansa.

Tatlong iba pang koponan na kumatawan sa bansa sa WRO ang pumasok sa top 5 ng iba't ibang kategorya sa nasabing paligsahan sa SMX Convention Center sa kabila ng mga security advisory ng ibang bansa sa Pilipinas.

Kabilang sa mga Bula­kenyong estudyante na kumatawan sa bansa sa junior high school category matapos pangunahan ang Philippine Robot Olympics (PRO) elimination sa unang bahagi ng taon ay sina Adiel De Jesus, Ma. Nerrisa Nicolas, Ellaine Bulaclac, at si Alexandra Guevarra  na pawang mag-aaral ng Dr. Yanga Colleges Inc. sa bayan ng Bocaue, Bulacan.

Ang iba pang koponan na kumatawan sa bansa sa WRO ay nagmula sa International School of Manila at Grace Christian Colleges High School na pumangatlo at pumang-apat  ayon sa pagkakasunod  sa junior high school open category na pinagharian ng mga mag-aaral ng DYCI.

Sa elementary category, na­sungkit ng Tibagan National High School ang me­dalyang pilak sa regular category kung saan ang koponan ng DYCI elementary ay hindi nakapasok sa finals.

 “This victory is a tribute to our country and to previous members of the DYCI team,” ani Edgar Yanga, executive vice president ng DYCI.

Noong 2009, ika-9 na puwesto ang pangkat ng DYCI High School sa hanay ng 327 koponan mula sa 32 bansa na lumahok sa WRO na isinagawa sa Pojang City, South Korea.

“Their loss last year made them more determined, more focused; it was their inspiration and motivation to do better this year,” dagdag pa ni Yanga.

“I tip my hats off to them, kasi kahit limited tayo sa facilities, they never surrender, and I would say, lamang tayo sa creativity at perseverance,”paliwanag pa ni Yanga. Ngayong nasungkit na ng DYCI High School ang gintong medalya, sinabi ni Yanga na hindi ito nanga­ngahulugang titigil na sila at muling lalahok sa susunod na WRO sa United Arab Emirates sa Nobyembre 18-22, 2011.

 “This is just the beginning and we hope that our accomplishment will serve as inspiration to other to aim higher and never surrender,” dagdag pa ni Yanga.

ADIEL DE JESUS

ALEXANDRA GUEVARRA

BULA

CONVENTION CENTER

DR. YANGA COLLEGES INC

EDGAR YANGA

ELLAINE BULACLAC

HIGH SCHOOL

SHY

YANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with