^

Probinsiya

Mag-ina minasaker, 2 nakaligtas

- Ni Cristina Timbang -

CAVITE, Philippines – Karumaldumal ang sinapit na kamatayan ng isang mag-ina matapos na tadtarin ang mga ito ng saksak ng hindi pa nakilalang mga salarin sa Cavite City nitong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ni Cavite Provincial Police Office (PPO) Director Sr. Supt. Danilo Maligalig ang nasawing mag-ina na sina Joan Fecilda at anak nitong si Lisha Fecilda.

Ayon kay Supt. Danilo Buentipom, hepe ng Cavite City Police bandang alas-3 ng madaling araw ng na­karinig ng malakas na pag-iyak ng dalawang bata ang mga nagpapatrulyang barangay tanod mula ikalawang palapag ng tahanan ng mga biktima.

Agad na tinawag ang mga kamag-anakan ng biktima at pulisya upang pasukin ang bahay at dito tumambad sa kanila ang duguang bangkay ni Joan sa unang palapag habang si Lisha ay nasa loob ng  isang kuwarto.

Masuwerteng nakaligtas naman sa insidente ang dalawa pang anak ni Joan na may edad 7 at 3 na nasa kabilang kuwarto na nabigo ng mapasok ng nagmamadaling mga salarin.

Ang pamilya ay may negosyong computer shop sa unang palapag ng bahay at sa itaas nito nakatira ang mag-iina na pulos babae dahilan ang mister ng ginang ay nagtatrabaho sa ibang bansa.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, may da­lawa o tatlong kalalakihan ang mga suspect dahilan sa computer ay naka-log dito ay bandang alas-12:45 ng madaling-araw ang huling kustomer ng mga ito.

Nabatid pa na walang CCTV ang computer shop kaya nahihirapan ang pulisya na kilalanin ang mga suspek.

Pinaniniwalaan namang posibleng nakaaway ng mag-ina ang mga suspek at tinitingnan rin ang anggulo ng pagnanakaw sa krimen.

vuukle comment

AYON

CAVITE CITY

CAVITE CITY POLICE

CAVITE PROVINCIAL POLICE OFFICE

DANILO BUENTIPOM

DANILO MALIGALIG

DIRECTOR SR. SUPT

JOAN FECILDA

LISHA FECILDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with