Kawani ng DILG itinumba

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang 59-anyos na kawani ng Department of Interior and Local Government (DILG) na tumayong Board of Canvasser noong barangay at Sang­guniang Kabataan elections sa bayan ng Sumisip makaraang pagbabarilin ng mga ‘di-pa kilalang lalaki sa bahagi ng Isabela City, Basilan noong Mi­yerkules ng umaga. Kinilala ni P/Chief Supt. Bien­ve­nido Latag, director ng Autonomous Region in Mus­­lim Mindanao PNP ang nasawi na si Aida Bandian Magtangob. Si Magtangob ay naglalakad sa intersection ng Valderosa at Garcia Street nang paslangin. Sa tala ng pulisya, si Magtangob ang ikalawang elec­tion officer na napatay habang si Entong Musa naman ay pinaslang noong Oktubre 2 sa bayan ng Tuburan.

Show comments