20 bayan lumubog sa baha
NUEVA VIZCAYA, Philippines — Umaabot sa 117 pamilya (548-katao) ang inilikas matapos lumubog sa tubig-baha ang 20 bayan sa lalawigan ng Isabela at Cagayan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council kahapon.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Benito Ramos, ang pagbaha ay bunsod ng patuloy na pag-ulan kaya umapaw ang labing-isang ilog na kinabibilangan ng Abusag, Itawes, Cabasan, Bagunot, Maguiling, Mauanaan, Pinacunauan, Tawi at Baybayog na pawang nasa Cagayan habang sa Sta. Maria at Alicao naman sa Cauayan City at Cabagan sa Isabela.
Sa Isabela, kabilang sa mga bayang lumubog ay ang San Pablo, Reina Mercedes, Cabagan, Santa Maria, Naguilian, Gamu, Delfin Albano, Tumauini, Santo Tomas at Ilagan.
Kabilang sa mga lumubog ay ang mga bayan ng Baggao, Lasam, Penablanca, Camalaniugan, Tuguegarao City sa Cagayan.
Apektado rin ang bayan ng Ilagan kung saan lumubog ang mga Barangay Cabiseria 4, Aggasian, Fugu, Bagumbayan, Sta. Barbara, Camunatan, Guinatan at Barangay Calamagui 2nd.
Sa pinakahuling ulat, umaabot na sa 20 bayan ang tuluyang lumubog sa tubig-baha.Victor Martin at Joy Canto
- Latest
- Trending