MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa isang 19-anyos na minero habang ang kasamahan nito ay nasa kritikal na kalagayan makaraang makalanghap ng nakalalasong kemikal sa loob ng inabandonang minahan sa Barangay Virac, Itogon, Benguet kamakalawa. Sina Jeffrey Forayan at Roy Tanacio, 22, ay magkasamang pumasok sa abandonadong minahan noong Martes kung saan nakalanghap ng lason. Narekober naman ng rescue team ang dalawa sa level 1000 kung saan nasawi si Forayan sa Bagiuo City Hospital and Medical Center habang ginagamot naman si Tanacio na kapwa nakatira sa Sadanga, Mt. Province.