2 pulis tiklo sa pamamaril

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Dalawang pulis mula sa Batangas at Laguna ang dinakma ma­tapos mamaril at ma­kapatay ng dalawang babae sa magkahiwalay na ka­rahasan sa Lipa City sa Ba­tangas  at Calamba City sa Laguna ka­makalawa.

Sinampahan ng kasong murder sina PO3 Roman Kasilag ng Lipa City PNP at SPO1 Julian Atienza ng Calamba City PNP. Si PO3 Kasilag ang itinurong bumaril at nakapatay kay Roselle Malauan, 33, ng Sitio Paraiso, Brgy. Ba­lintawak, Lipa City. Lumili­taw na pinuntahan ni PO3 Kasilag si Malaluan sa boarding house para kausapin pero nauwi sa pagtatalo hanggang sa maganap ang krimen. Na­damay din si John Regalado, 17, matapos ta­maan ng ligaw na bala.

Inilagay naman sa restrictive custody sina SPO1 Gerardo Aguilera Mendoza at PO1 Celso Cuevas na kap­wa na­ma­taan sa nabanggit na lugar habang nagaganap ang pamamaril.

Samantala, arestado rin si SPO1 Atienza matapos iturong bumaril at naka­patay kay Jennyfer Manaig, 29, ng Barangay San Jose, Calamba City, Laguna.

Sina SPO1 Atienza at Ma­naig ay nagtalo dahil la­­mang sa parking slot sa Ba­rangay Halang, Calamba City noong Linggo ng gabi.

Show comments