MANILA, Philippines - Napaslang ang itinuturong nanunog ng eskuwelahan sa kasagsagan ng barangay at Sangguniang Kabataan elections noong Oktubre 25 matapos na makipagbarilan sa grupo ng pulisya kamakalawa sa kahabaan ng Sitio Talisay sa Barangay Poblacion 2, Parang, Maguindanao. Nabatid na si Rolando Albores ay pangunahing suspek sa panununog ng ilang silid-aralan sa bayan ng Parang at isa sa tumaga at nagnakaw kay PO3 Lino de Vera Galvan Jr., may isang linggo na ang nakalilipas. Lumilitaw na napilitang barilin ng arresting team ang suspek matapos na tumangging sumuko bago nakipagbarilin. Sinasabing tinangka rin ng suspek na hagisan ng granada ang mga pulis na rumesponde bago ito napatay sa shootout.