2 problemadong tinedyer nag-suicide
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Dalawang tinedyer na sinasabing dumanas ng matinding problema sa buhay ang nagpasalubong kay kamatayan sa naganap na magkahiwalay na suicide habang ginugunita ang Undas sa lalawigan ng Isabela.
Si Maria Paula Tangaling, 15, ng Brgy. Batal, Santiago City, ay nag-suicide matapos uminom ng silver nitrate.
Lumilitaw sa imbestigasyon na si Tangaling ay napagsabihan ng kanyang ina dahil sa mga text messages ng boyfriend at kabarkada na nabasa sa cell phone.
Naisugod pa sa Cagayan Valley Adventist Hospital si Tangaling subalit namatay din habang ginagamot.
Samantala, si Gladys Corsino, 17, ng Brgy. Buenavista ay nagbigti sa loob ng kanyang kuwarto matapos makatanggap ng abiso mula sa kanyang amo na nagsasabing hindi na ito makakabalik sa trabaho bilang working student.
Dahil sa pangambang hindi na maipagpatuloy ang kursong Hotel and Restaurant Management at ang pangarap na makatulong sa pamilya ay hindi na nakayanan ng biktima ang problema kaya kusang nagpasalubong kay kamatayan.
- Latest
- Trending