^

Probinsiya

Re-elected chairman itinumba sa sementeryo

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Hindi na iginalang ang paggunita ng All Saints’ Day ng dalawang armadong lalaki matapos na pagbabarilin hanggang mapatay ang re-elected barangay chairman sa pampublikong sementeryo sa bayan ng Aroroy, Masbate noong Lunes ng gabi.

Halos magkabutas-butas ang katawan ni Chairman Vicente Lacbayug ng Barangay Dayhagan ng nasabing bayan.

Lumilitaw na bandang alas-6:30 ng gabi nang bisitahin ni Lacbayug ang puntod ng kaniyang mga mahal sa buhay sa Aroroy public cemetery sa Sitio Mahaba, Brgy. Dayhagan.

Dito na nilapitan at ratratin ng mga armadong lalaki ang biktima kung saan nagawa pang isugod  sa ospital pero idineklarang patay.

Napag-alamang bago ganapin ang barangay at SK elections noong Oktubre 25 ay nakatanggap na ng pagbabanta ang biktima mula sa mga rebeldeng New People’s Army.

Nabatid din na hinaras din ng mga rebelde ang biktima na puwersahang pinalagda sa petisyon laban sa operasyon ng Filminera Mining Firm sa kanilang barangay.

Nabatid na nagtago ang biktima bunga ng mga pagbabanta subalit nang dumalaw ito sa sementeryo ay natiyempuhang makasalubong si kamatayan.

ALL SAINTS

AROROY

BARANGAY DAYHAGAN

BRGY

CHAIRMAN VICENTE LACBAYUG

DAYHAGAN

FILMINERA MINING FIRM

NABATID

NEW PEOPLE

SITIO MAHABA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with