KIDAPAWAN CITY, Philippines – Naabo ang isang eskuwelahan na ginawang polling precinct noong barangay at Sangguniang Kabataan electons makaraang sunugin ng mga ’di-pa kilalang lalaki kahapon ang madaling-araw sa Sitio Kulog, Barangay Arakan sa bayan ng Matalam, North Cotabato. Malaki ang paniniwala ni P/Insp. Donald Cabigas, hepe ng Matalam PNP, na sinadya ang sunog ng mga natalong kandidato. Ito na ang ikalawang paaralan na sinunog sa North Cotabato matapos ang eleksiyon. Base sa ulat ni P/Insp. Elias Dandan ng pulisya, naunang sinunog ang Gocotan Elementary School sa bayan ng Pikit ng mga supporter ng talunang kandidato.