2 nilamon ng dagat
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Dalawa-katao kabilang ang walong taong gulang na bata ang iniulat na nasawi makaraang lumubog ang kanilang bangka sa karagatan ng Barangay Cagbabano sa bayan ng Pioduran, Albay kamakalawa. Hindi na nagawang maisalba ang buhay sina Maryann Pormales, 23, ng Lucena City; at Jessy Canino. Nakaligtas naman ang utol ni Jessy na si Jordan, 10. Lumilitaw na lulan ng bangka si Pormales na may layong 150 metro mula sa dalampasigan nang lumipat sa maliit na bangka ng mag-utol na Canino kung saan tuluyang lumubog dahil hindi nakayanan ang bigat nito.
- Latest
- Trending