P10-M palengke naabo

MANILA, Philippines - Umaabot sa P10 milyong halaga ng ari-arian ang na­­abo matapos masunog ang Rosario Public Market sa La Union kamakalawa. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, ganap na alas-9 ng umaga nang masunog ang ilang kabahayan sa Barangay Pob­lacion East kung saan nadamay ang matandang pampublikong palengke ng Rosario. Wala namang na­iulat na nasawi o nasugatan matapos rumesponde ang ilang miyembro ng pamatay-sunog. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

Show comments