^

Probinsiya

2 kaluluwa sumapi sa killer

- Ni Victor Martin -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines  – Isa sa anim na sinasabing suspek sa brutal na pagkidnap at pagpatay sa mag-asawang Tsino ang sinapian ng espiritu ng mga biktima sa loob ng bilangguan sa Isabela.

Si Allan Castillo na itinuturong kumatay sa tatlong biktima ay biglang sinapian habang nakakulong matapos na magsisigaw ito at magsalita ng Mandarin at ipinagtapat kung paano ginawa ang pamamaslang.

Ayon sa source, ang kaluluwa na sumapi sa sus­pek ay espiritu ng mag-asawang Rosemarie Pua, 39; at Lucio Pua, 38; at ang kanilang business partner na si Gemma Estrada-Eugenio, 44; na kinatay noong Sept. 6, 2010

Maging ang mga awtoridad ay hindi makapaniwala na sinapian ang killer, su­balit ang nakapagtataka ay nakapagsasalita ng Mandarin kung saan sa buong buhay niya ay hindi makaintindi ng kahit isang salita ng Intsik.

Isa ring video clip na nakuhanan sa loob ng Echague police jail ang nagpapatunay na sinapian nga ang suspek kung saan isang matinis na boses ng babae na nagma-Mandarin ang nakikita na si Castillo ay sinapian.

“What I know is that the possession incident happened three days after we took custody of the possessed suspect,” pahayag ng isang police officer.

Maliban kay Castillo ay nakapiit ngayon ang iba pang suspek na sina Jaylord Dimal, Eduardo Sapipi, Arvin Guirao, Ro­bert Baccay na nahaharap sa kasong kidnapping at multiple murder.

Nauna rito ay inamin ni Sapipi ang brutal na pagpatay sa tatlong biktimang kinatay, isinilid sa dalawang drum at itinapon sa iba't ibang lugar.

vuukle comment

ARVIN GUIRAO

EDUARDO SAPIPI

GEMMA ESTRADA-EUGENIO

ISA

JAYLORD DIMAL

LUCIO PUA

NUEVA VIZCAYA

ROSEMARIE PUA

SI ALLAN CASTILLO

WHAT I

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with