3 bata nalunod

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa tatlong batang babae matapos na tangayin ng malakas na agos habang naliligo sa ilog sa Cadiz City, Negros Occidental kamakalawa. Kabilang sa mga na­sawi ay sina Angelica Lyca Riobadonia, 10; Riza Nica Sevilla,7; at kapatid nitong si Kim Rea Sevilla, 10 na pawang residente ng Sitio Kabulakan, Barangay Tinampaan. Napag-alamang nagkayayaan ang tatlo na maligo sa ilog may ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang tahanan kasama ang isa pa nilang kalaro na tinukoy lamang sa pangalang Inday. Sa gitna nang kasiya­han ay biglang tinangay ng­ malakas na agos ang tatlo hanggang sa tuluyang la­munin ng ilog. Tinangka naman ni Inday na sagipin ang mga kalaro pero nabigo ito sa bilis ng mga pangyayari matapos na magkakasunod na lumubog ang tatlo. Bandang alas-4 ng hapon nang marekober ng rescue team ang tatlong bata matapos na lumutang ang mga bangkay.

Show comments