Cybersex den raid: 4 menor-de-edad nasagip
OLONGAPO CITY, Philippines — Apat na menor de edad ang nailigtas ng mga awtoridad matapos salakayin ang isang cybersex den na minamantine ng isang talunang kandidato sa katatapos na Barangay/Sangguniang Kabataan (SK) elections sa isinagawang operasyon sa lungsod na ito kamakalawa. Sa bisa ng isang search warrant na ipinalabas ni Executive Judge Ramon D. Pamular ng RTC Branch 32 ng Guimba, Nueva Ecija, nahuli ang isang nagngangalang Monaliza Domalanta sa raid sa #66 Miranda Compound, Ramos St. Extension, Barangay East Bajac-Bajac, Olongapo City. Nasakote din ang pito pang kababaihan, apat sa mga ito ay mga menor-de edad habang gumagamit ng internet at nakikipag-chat sa kani-kanilang mga kliyente.
Hindi naman naaresto si Flory Miranda may-ari ng naturang bahay at itinuturong operator ng cybersex den na tumakbo bilang barangay kagawad nitong nagdaang eleksyon ngunit natalo.
Nasamsam sa lugar ang mga laptop, desk top computers, under garments, sex toys, lubricants, resibo na mula sa iba’t ibang mga bangko at money grams.
- Latest
- Trending