500 botante hinaras ng pulisya
ZAMBALES, Philippines — Umaabot sa 500 botante ang hindi nakaboto sa barangay at Sangguniang Kabataan elections makaraang harangin ng mga pulis ang mga residente na makaboto patungo sa Taltal Elementary School bilang polling precinct sa bayan ng Masinloc, Zambales. Dismayado naman ang mga lehitimong botante ng Sitio Coto sa nabanggit na barangay dahil sa aksyon ng mga pulis na sinasabing utos ni P/Senior Supt. Rafael Santiago, Zambales, police director. Maging ang mga mamamahayag na nagkokober sa nabanggit na eleksyon ay pinapasok ng mga miyembro ng Special Action Force ng PNP sa hindi nabatid na dahilan. Samantala, naging tahimik naman ang halalan sa Zambales maliban sa bayan ng Masinloc na kinondena ng mga residente ang aksyon ng pulisya.
- Latest
- Trending