Dentista kinatay sa babuyan

QUEZON, Philippines — Napaslang ang isang dalagang dentista ma­tapos pagsasaksakin ng kanyang trabahador sa pag-aaring babuyan sa Barangay Niing sa bayan ng San Antonio, Quezon kamakalawa ng umaga. Napuruhan sa li­kurang bahagi ng katawan si Dra. Maria T. Denia ng Ba­­rangay Poblacion habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Rodrigo Garcia. Sa pagsisiyasat ni PO3 Jo­seph Ramirez, lumilitaw na binisita ng biktima ang kanyang babuyan kung saan katiwala ang suspek sa na­banggit na barangay. Ga­yon pa man, nagalit ang bik­tima dahil sa pagpapabaya ng suspek sa mga inaalagaan baboy. Dito nagalit at inundayan ng ilang saksak ng suspek ang biktima.

Show comments