Municipal councilor itinumba
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang konsehal habang nag-i-escort ng mga ballot boxes kasama ang mga poll watcher at Board of Election Tellers (BET) sa bayan ng Balud, Masbate noong Martes ng hapon.
Base sa ulat, bandang alas-4:45 ng hapon matapos maantala ang eleksyon nang mag-escort si Balud Councilor Ronald Ariola sa ballot boxes na dadalhin na sana sa munisipyo nang harangin ang grupo ng dalawang armadong lalaki sa Barangay Mapili.
Kinaladkad at inihiwalay sa grupo ang biktima saka pinagbabaril hanggang sa mapatay. Ligtas namang nakarating sa munisipyo ang mga poll watcher at BET na kasama ni Ariola. Narekober naman ang bangkay ni Ariola kahapon ng madaling-araw sa Sitio Palanas.
- Latest
- Trending