Konsehal dedo sa pamamaril

MANILA, Philippines - Napaslang ang kandidatong barangay konsehal matapos mabaril ng kaniyang kalaban sa pulitika sa naganap na kara­hasan sa kasagsagan ng barangay at Sangguniang Kaba­taan elections sa Brgy. Calagusan sa bayan ng Lanta­wan, Basilan kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa dibdib si Aisa Ganarol habang ‘di-naman nakilala ang gun­man. Lumilitaw na nagkainitan ang grupo ng dalawang magka­labang partido ng barangay chairman na humantong sa shootout. Humupa lamang ang tensiyon matapos na mag­res­ponde ang security forces ng lokal na pamahalaan.

Show comments