Kandidato 'di-ibinoto, namaril

MANILA, Philippines - Nahaharap ngayon sa ka­song kriminal ang kandidato sa pagka-councilor matapos mamaril sa mga tumangging iboto siya sa naganap na ka­ra­hasan sa Sitio Aningan, Ba­rangay Luyang sa bayan ng San Remegio, Cebu kama­kalawa.

Tinamaan ng bala sa ka­nang tuhod si Douglas Cabiao na naisugod sa Don Severo Verallo Memorial Dis­trict Hospital sa Bogo City, Cebu.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Kim Ochea Sanchez alyas Mikmik.

Lumilitaw sa imbestigas­yon na nangampanya si San­chez sa pamilya ni Cabiao ka­ugnay ng Barangay at Sang­guniang Kabataan elections pero tumangging iboto ang una dahil may napupusuan na silang kandidato.

Labis naman ikinagalit ng suspek kaya pinalibutan ang bahay ng pamilya Cabiao at pinagbabaril.

Nagawa namang maka­dapa ng ilang miyembro ng pa­milya Cabiao subalit ta­nging si Douglas ang tina­maan. Joy Cantos

Show comments