Ex-councilor nilikida

MANILA, Philippines - Nabahiran ng karaha­san ang barangay at Sang­guniang Kabataan polls matapos mapaslang ang dating Konsehal sa Baran­gay Sta. Cruz, Gapan City, Nueva Ecija kahapon.

Bandang alas-5 ng uma­­ga habang kausap ni Elpidio Rueda, 58, ang mga kaibi­gang sina Flo­rentino Esqui­vel, Narciso Malgapo at Arnel Cons­tantino sa waiting shed nang lapitan at pagba­barilin ng dalawang lalaki na lulan ng itim na mo­torsiklo. Base sa police report, ang biktima ay dala­wang beses na tinamba­ngan ng mga kalaban nito sa pulitika kung saan na­dale sa ikalawang pag­ka­kataon.

Show comments