Magsasaka kinatay

QUEZON, Philippines  — Nalutas ng pulisya ang kasong pag­patay laban sa isang 58-anyos na magsasaka makaraang maaresto ang mag-utol sa bahagi ng Barangay Jongo sa bayan ng Lopez, Quezon. Na­aagnas na nang matagpuan ang katawan ni Blandino Condes, 58, habang sumuko naman sa mga sundalo ng Phil. Army ang mag-utol na sina Renato, 40 at Ponsiano Ross, 34. Ayon kay SPO3 Raul Paraiso, huling namataang buhay ang biktima na nakikipag-usap sa mag-utol na Ross noong Oktubre 20 ka­ugnay sa boundary ng kanilang sinasakang lupain. Tatlong araw bago matagpuan ang pinagtatagang katawan ng biktimang isinako at inabandona sa madamong niyugan.

Show comments