Magsasaka kinatay
QUEZON, Philippines — Nalutas ng pulisya ang kasong pagpatay laban sa isang 58-anyos na magsasaka makaraang maaresto ang mag-utol sa bahagi ng Barangay Jongo sa bayan ng Lopez, Quezon. Naaagnas na nang matagpuan ang katawan ni Blandino Condes, 58, habang sumuko naman sa mga sundalo ng Phil. Army ang mag-utol na sina Renato, 40 at Ponsiano Ross, 34. Ayon kay SPO3 Raul Paraiso, huling namataang buhay ang biktima na nakikipag-usap sa mag-utol na Ross noong Oktubre 20 kaugnay sa boundary ng kanilang sinasakang lupain. Tatlong araw bago matagpuan ang pinagtatagang katawan ng biktimang isinako at inabandona sa madamong niyugan.
- Latest
- Trending