2 nag-suicide dahil sa kahirapan
QUEZON, Philippines — Halos isang oras lamang ang pagitan nang magpakamatay ang dalawang lalaki na ang idinadahilan ay ang kahirapan ng buhay sa Barangay Villabota sa bayan ng Gumaca, Quezon kamakalawa.
Si Allan Litana, 30, ay natagpuan ng kanyang misis na si Elena na nakabitin sa loob ng kanilang bahay ilang minuto matapos na ito ay uminom ng alak.
Ayon kay SPO2 Eman Orivida, huling namataang buhay ang biktima na dumadaing sa kanyang misis dahil sa kahirapan ng buhay.
Gayon pa man, matapos maglaba ni Elena ay nabungaran niya ang mister na nakabitin.
Samantala, natagpuan naman ng kanyang ama si Erwin Guevarrero, 27, na nakabitin sa loob ng kanyang kuwarto. Nakasaad sa iniwang suicide note ni Erwin na nagdesisyon siyang wakasan ang buhay kaysa sa harapin ang kahirapan sa buhay ng kanilang pa milya.
- Latest
- Trending