^

Probinsiya

Nagsangla ng 20 sasakyan, tugis

- Ni Christian Ryan Sta. Ana -

GAPAN CITY, Nueva Ecija, Philippines  — Pinaghahanap ng pulisya ang isang babaeng nakapagsangla ng 20-sasakyan na kanyang hiniram sa iba’t ibang may-ari sa Gapan City, Nueva Ecija. Ayon kay P/Supt. Ricardo Villanueva, hepe ng Gapan City police, aabot 20 sasakyan ang naisangla ng suspek na si Evangeline Protacio na sinasabing walang tiyak na tirahan. Lumilitaw sa modus operandi ni Protacio na umaarkila ng sasakyan sa halagang P30,000 kada bu­wan subali’t lingid sa kaalaman ng may-ari ay kaagad na isinasangla gamit ang pekeng special power of attorney at sa interest na 5% kada buwan. Napag-alamang tatlong re­sidente na nakakuha ng sanglang sasakyan mula sa sus­pek ay boluntaryong nagsauli sa takot na sila ang ma­ka­suhan ng tunay na may-ari. Patuloy naman ang imbes­tigasyon ng mga awtoridad.

vuukle comment

AYON

EVANGELINE PROTACIO

GAPAN CITY

LUMILITAW

NAPAG

NUEVA ECIJA

PATULOY

PINAGHAHANAP

PROTACIO

RICARDO VILLANUEVA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with