Re-electionist kagawad itinumba
MANILA, Philippines – Napaslang ang isang 31-anyos na re-electionist barangay kagawad na sinasabing nakakatanggap ng pagbabanta sa buhay makaraang pagbabarilin sa loob ng kanyang tahanan noong Huwebes ng gabi sa Barangay San Isidro sa bayan ng Santiago, Agusan del Norte. Idineklarang patay sa Cabadbaran Emergency District Hospital si Kagawad Rommel Magdayo Moldez ng nabanggit na barangay. May teorya ang pamilya ni Moldez na ang pamamaslang ay may kinalaman sa peace and order initiatives na ginagawa ng biktima sa minahan sa Mt. Sarug.
- Latest
- Trending