Visayas, Mindanao nilindol

MANILA, Philippines –  Tatlong magkakasunod na pagyanig ang naram­daman sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao ka­hapon ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seis­mology (Phivolcs), naitala ang unang pag­yanig sa magnitude 3.6 sa layong 49-kilometro hila­gang silangan ng Maasin, Southern Leyte kahapon ng madaling-araw kung saan wala namang naita­lang aftershocks.

Samantala, naitala na­man ang ikalawang lindol sa magnitude 4.6 may 80-kilometro sa hilagang sila­ngan ng Mati, Davao Oriental.

Ang ikatlong lindol ay naitala sa magnitude na 3.9 sa may 40 kilometro sa hi­lagang kanluran ng Butuan City, Agusan del Norte kung saan naram­daman sa lakas na intensity 3 sa Butuan City.

Noong Biyernes ay na­ka­pagtala rin ang Phivolcs ng lindol na nasa magnitude-2.4 sa bahagi ng Min­­danao kung saan may 24 kilometro sa hilagang kan­luran ng Sultan Kuda­rat. Naramdaman ang la­kas ng lindol sa intensity 2 sa mga bayan ng Isulan at Ta­cu­rong sa Sultan Kudarat.

Wala namang iniulat na napinsalang ari-arian.

Show comments