CAVITE, Philippines — Isang teen-ager ang nasawi makaraang aksidenteng makuryente ito sa isang high voltage wire habang naglalakad pauwi kamakalawa sa Indang-Tagaytay Road sa bayan ng Indang. Ang nasawi ay nakilalang si Erwin Biado, 15 at nakatira sa Barangay Asis 3, Mendez. Ayon sa ulat, bandang ala-1:35 ng hapon kamakalawa ng ipabatid sa pulisya ang nangyari sa biktima ng isang residente. Nabatid mula kay Jerome Alcaraz, 10-anyos, kasama ng biktima, naglalakad sila pauwi sa kanilang bahay nang aksidenteng mahawakan ng biktima ang isang bukas na high voltage wire na agad nitong ikinamatay.