Doktora sa BGH inireklamo

BALANGA CITY, Ba­taan, Philippines — Isang doktora ng pub­­lic hospital na na­ningil ng professional fee ang sinam­pahan ng kaso ng 3 biktima nito sa Bataan Prosecutor’s Office.

Ang inireklamo ay na­kilalang si Dra. Emelita Fir­macion, OB-Gyne head ng Bataan General Hospital. Ini­reklamo ito ng pag­labag sa anti-graft and corrupt practices act bukod sa reckless imprudence resulting to serious physical injuries.

Ang nagharap ng rekla­mo ay sina Jonamay Mar­tinez, Cindy Daal at Mary Grace Zorilla.

Ayon kay Martinez, nag­tungo silang mag-asawa sa hospital para kausapin ang doktora ka­ugnay ng kan­yang pa­nganganak sa pa­ma­­ma­gitan ng ceasarian pero sinabihan sila ni Fir­macion na magtungo na lamang sa isang private hospital kung saan niya ito puwedeng paanakin kaysa sa provincial hospital kung saan ay siningil sila ng doktora ng P15,000 professional fee.

Ayon naman kay Daal nagpanggap umano si Fir­macion na siya ay may authority power o kuwali­pikasyon upang mag-private practice na naging daan upang magbayad sila ng professional fee na P16,000 matapos siyang operahan sa matris.

Sinabi naman ni Zorilla siya man ay siningil din ni Firmacion ng halagang P15,000 sa kanyang pa­nga­nganak ng ceasarian nang operahan siya sa loob ng BGH na dapat sana ay libre dahil mayroon siyang Phil­health card.

Ipinaliwanag ni Dra. Glory Baltazar, Officer in Charge sa BGH, ang lahat ng medical specialist na mayroong permanenteng posisyon sa lahat ng publi­kong hospital ay maaari lamang magsa­gawa ng private practice sa kanilang propesyon matapos ang office hour at dapat may­roong authorization mula sa tanggapan ng Secretary of Health o sa kanyang authorized representative.

Show comments