Kalaguyo ni misis tinaga ni mister

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines —Tinaga ng isang construction worker ang kalaguyo ng kanyang misis matapos nitong ma­huli sa akto na nagtatalik ang dalawa sa kanilang tahanan kamakalawa sa San Miguel, Catanduanes.

Agad namang sumuko sa pulisya ang suspek na si Salvador dela Cruz, 41 anyos, laborer ng Sun­ west Construction Corp. at nakatira sa Barangay Su­long, San Miguel, Ca­tan­duanes.

Ang sugatang biktima na amo naman ng suspek ay nakilalang si Anthony Tipo, 35, foreman ng Sun­west Construction Corp. at nakatira sa Gigmoto, Ca­tanduanes.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-3:00 kama­kalawa ng hapon ng big­lang umuwi ang suspek sa kanilang bahay at maka­rinig siya ng ingay mula sa loob ng kanilang kuwarto.

Nang sumilip ang sus­pek ay nakita sa akto na nagtatalik ang kanyang misis at si Tipo.

Nagdilim ang paningin ng suspek kaya agad na kinuha ang itak at tinaga ang suspek habang mabi­ lis namang nakapagtago sa bahay ng kanyang magu­lang ang misis ni dela Cruz. Isinugod na­man sa Bato Maternity Hospital ang sugatang biktima.

Show comments